Dating AFP chief Gregorio Catapang, itinalagang BuCor OIC | News Night

2022-10-21 69

Habang gumugulong ang imbestigasyon sa Percy Lapid case, may itinalagang officer-in-charge ng BuCor. Siya si retired general Gregorio Catapang na nagsilbi bilang AFP chief noong termino ni pangulong Noynoy Aquino.

Kabilang sa mga naging kontrobersyal na insidente sa ilalim ng kanyang panunungkulan ang madugong Mamasapano encounter na ikinamatay ng mahigit animnapung pulis at rebelde. At ang pagtakas na mga Filipino Peacekeepers mula sa banta ng mga rebelde sa Syria na tinawag ni Catapang bilang 'the greatest escape'. Sa desisyon ni Catapang para suwayin ng mga Filipino Peacekeeper na suwayin ang kanilang UN commande sa Golan Heights, hindi na muli kumukuha ang United Nations Disengagement Observer Force ng mga sundalong Pinoy para sa peacekeeping missions.

Noong 2019, kabilang si Catapang sa mga tinalaga para pamunuan ang seguridad ng Southeast Asian Games na hinost ng Pilipinas.

Kausapin natin ngayon si BuCor spokesperson Gabriel Chaclag.


Visit our website for more #NewsYouCanTrust: https://www.cnnphilippines.com/

Follow our social media pages:

• Facebook: https://www.facebook.com/CNNPhilippines
• Instagram: https://www.instagram.com/cnnphilippines/
• Twitter: https://twitter.com/cnnphilippines